Ilang araw bago mag-pasko at bagong taon, naka-alerto na ang maraming bansa sa gitna ng patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 Omicrant variant.
Mabilis na dumarami ang Omicron infections sa iba’t ibang bahagi ng Europa, United States at Asia, gaya sa Japan kung saan nasa isandaan walumpung kaso ang naitala sa isang military base.
Sa New Zealand, ipinagpaliban naman ni COVID-19 response Minister Chris Hipkins ang planong re-opening ng international border ng bansa hanggang Pebrero habang sa India hinimok ng Federal Government ang mga mamamayan na magpabakuna.
Pinaigting din ang testing sa Singapore upang mabatid kung Omicron ang nasa likod ng hinihinalang case cluster sa isang gym.
Samantala, isang lalaking hindi bakunado ang namatay sa Texas makaraang maging dominant strain ang Omicron variant sa Estados Unidos habang umabot na sa labindalawa ang namatay sa Britanya.