Nanganganib na magdulot ng panibagong kaguluhan ang desisyon ng Estados Unidos na armasan ang Ukraine sa gitna ng nagpapatuloy na Russian-Ukrainian War.
Ito’y makaraang ibabala ng Russia na tiyak na may kahaharaping konsekwensya ang Amerika sa oras na ipadala nito ang mga supply ng lethal weapon sa Ukraine gaya ng mga anti-tank missile.
Ayon kay Russian Deputy Foreign Minister Sergei Ryabkov, ang mga nasabing armas ay may kakayahan na makapagdulot ng karagdagang casualty.
Ito ang unang beses na magkakaloob ang US ng heavy armaments sa Ukraine bilang suporta sa kanilang long-term defense capacity.
—-