Tutol ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na muling ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa ikatlong pagkakataon.
Ayon kay dating COMELEC Commissioner at ngayo’y chairman ng PPCRV na si Rene Sarmiento, hindi makakabuti sa demokrasya ang malimit at nakakasanayan nang pagpapaliban sa eleksyon dahil tinatanggalan nito ng karapatang bumoto ang mga tao.
Sinabi ni Sarmiento na mahalagang naisasagawa ng regular ang mga itinakdang eleksyon sa Saligang Batas upang mapanatili sa puwesto ang mga magandang manungkulan at matanggal naman ang mga hindi karapat-dapat.
Una rito, sinimulan nang talakayin ng Kamara de Representantes ang panibagong panukalang batas para sa pagpapaliban ng barangay at SK elections na nakatakda sana sa Mayo.
Unang ipinagpaliban ang nakatakda sanang eleksyon noong October 2016 at nitong October 2017.
—-