Tinabla ng Malakaniyang ang panibagong hirit ng grupong KADAMAY.
Kaugnay ito sa kahilingan ng KADAMAY na ibigay na sa kanila ang lupa ng gobyerno na idineklarang nasa danger zone sa Pasig City para magkaruon sila ng matitirhan.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na minsan nang pinagbigyan ng Pangulo ang KADAMAY nang kunin ng mga ito ang pabahay para sa mga sundalo at pulis sa Pandi, Bulacan at pinagsabihang huwag nang umulit.
Ayon pa kay Andanar hindi nangangahulugang pagbibigyan ng Pangulo ang lahat ng gagawin at hihilingin ng grupong KADAMAY.
Ang hinihiling na lupain ng grupong KADAMAY sa Manggahan Floodway o Napindan Channel ay idineklarang danger zone nuong panahon ng Arroyo Administration kayat hindi rin ito uubrang tayuan ng bahay at tirhan.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Panibagong hirit ng grupong KADAMAY sa pamahalaan tinabla ng Palasyo was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882