Posibleng muling salantahin ng panibagong bagyo ang Carribean Islands makalipas lamang ang halos dalawang linggo matapos na tumama dito ang Hurricane Irma kung saan 44 ang nasawi.
Sa inilabas na advisory ng National Hurricane Center, mas lumakas pa ang Hurricane Maria habang tinatahak ang eastern Carribean sa bilis na 15 miles per hour.
Inaasahang mas lalakas pa ito sa susunod na mga araw at posibleng magdala ng malakas na hangin, storm surge at malakas na buhos ng ulan.
Kaugnay nito, itinaas na ang hurricane warning sa mga lugar sa naturang mga isla sa susunod na 36 na oras.
—-