Ikinasa na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang panibagong importasyon ng asukal ngayong taon alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na magkaroon ng dalawang buwang buffer stock.
Sa katunayan ay bumabalangkas na ang SRA ng plano upang mag-angkat ng nasa apatnaraan limampung libong metrikong toneladang refined sugar.
Ayon kay SRA Board Member Pablo Azcona, ipadadala ang draft ng importation plan sa Department of Agriculture (DA) at stakeholders para sa kanilang mga komento.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Marcos Jr. na kailangan ang dalawang buwang buffer stock upang matiyak na hindi magkakaroon ng supply shortage.
Ilalaan ang aangkating asukal para sa domestic consumption at industrial use.