Inireklamo ng grupong National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang panibagong insidente ng ‘red-tagging’ sa Tacloban at General Santos City.
Ayon kay Edre Olalia, pinuno ng NUPL, may mga nagkalat na poster na nakadikit malapit sa venue kung saan nagpupulong ang Union of People’s Lawyers sa Gen San.
Makikita sa nasabing poster ang pag-uugnay umano sa progresibong grupo sa Communist Party of the Philippines (CPP), National Democratic Front at New People’s Army.
Sinasabi umano na kaalyado ng grupo ang CPP, NDF at NPA at ang mga ito ay idineklara ng pesona non grata sa SOCCSKARSARGEN.
Gayunman tiniyak ni Olalia na hindi ito magiging dahilan para sila ay matakot at tumigil sa kanilang mga adbokasiya para sa bansa.