Malaki na umano ang pangangailangan ng Pilipinas para sa isang panibagong international airport sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ito ang mungkahi ni Senador JV Ejercito matapos ang pagkaantala ng napakaraming biyahe sa NAIA Terminal 1 dahil sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines sa main runway noong Huwebes.
Ayon kay Ejercito, dapat magkaroon ng iisang runway na nakalaan lamang para sa lahat ng mga international flights tulad ng isang twin airport system.
Sa panig naman ni House Transportation Committee Chairman at Catanduanes Representative Cesar Sarmiento, dapat siyasatin ng Kongreso ang naturang insidente.
Dapat din aniyang alamin ang mga posibleng sanhi ng pagsadsad ng Chinese aircraft sa runway NAIA at mabatid kung sino ang mga dapat managot sa naturang insidente.
—-