Nagpaplano na naman ang China na magtayo ng panibagong istraktura sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Spokesman Peter Paul Galvez, magbubunsod sa mas matindi pang krisis sa rehiyon kung ipagpapatuloy ng China ang paglabag sa Declaration of Conduct on South China Sea.
Sinabi ni Galvez bagaman pansamantalang inihinto ng China ang reclamation activities sa pinagtatalunang teritoryo, inianunsyo naman nito na magtatayo sila ng panibagong reclamation sa lugar bilang suporta sa search and rescue operations ng kanilang bansa.
Inakusahan naman ng AFP ang China ng pagpapatuloy ng reclamation activities sa pitong reefs and islets sa ilalim g Kalayaan Islands Grouup (KIGS) sa Spratlys.
Kabilang dito ang Subi Reef na may anim na insidente ng harrassments laban sa pagpapatrulya ng tropa ng Pilipinas sa lugar kung saan iginigiit ng China na pumapasok sa teritoryo ng kanilang bansa ang mga piloto ng Philippine Air Force (PAF).
By Mariboy Ysibido