Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang panibagong kaso ng African Swine Flu (ASF) sa Quezon City.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nagpositibo sa ASF ang samples na ipinasuri nila sa Bureau of Animal Industry (BAI) mula sa Barangay Tatalon, Quezon City.
BREAKING: Department of Agriculture Secretary William Dar, kinumpirma ang kaso ng African Swine Fever sa Barangay Tatalon, Quezon City pic.twitter.com/mv9QraU4cZ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 1, 2019
Dahil dito, tatlong barangay na sa Quezon City ang apektado ng ASF kabilang ang Barangay Bagong Silangan at Payatas.
Sa ngayon, sinabi ni Dar na sinimulan na nila ang ‘culling’ o pagpatay sa mga may sakit na baboy ng backyard raisers kasabay ng pagpapatupad ng 1-7-10 zones.
Inaalam na anya nila kung paanong umabot sa Barangay Tatalon ang ASF mula sa Bagong Silangan at Payatas.