Tumaas ang bilang ng nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas kahapon.
Ayon sa Department of Health (DOH), pumalo sa 585 ang naitalang bagong kaso sa bansa mula sa 539 noong Biyernes.
Ito na ang pinakamataas na naitala ng kagawaran simula noong Abril a-3.
Sumampa naman sa 4, 179 ang active cases na mas mataas kumpara sa 3, 829 noong Biyernes.
Ang mga rehiyong nakapagtala ng pinakamataas na bilang sa nakalipas na dalawang linggo ay ang NCR na may 1, 984; CALABARZON, 601 at Western Visayas, 323.
Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na nananatili sa 60, 467, habang 3, 631, 009 ang mga gumaling sa COVID-19.
Sa kabuuan, 3, 695, 652 na ang nationwide COVID-19 tally sa Pilipinas.