Naitala ng China ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang bansa, matapos ang halos anim na liggo.
Sa pinakahuling datos ng National Health Commission ng China, nakapagtala sila ng 108 bagong kaso nitong linggo, mas mataas sa 99 na naitala noong Sabado.
Ito na rin pinakamataas matapos ang naiulat na 143 bagong kaso ng COVID-19 noong March 6.
Sinabi ng National Health Commission, 98 sa mga bagong kaso ng COVID-19 ay imported o kanilang mamamayan na nagbabalik China at nagmula sa mga bansang apektado ng virus.
Dahil dito, nangangamba ang Chinese authorities sa posibilidad ng second wave ng COVID-19 sa kanilang bansa dahil sa mga imported case.