Nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 Delta variant ang Zamboanga City.
Ayon kay City Health Officer Dr. Dulce Amor Miravite, ang pasyente ay hindi residente ng siyudad.
Aniya, ang pasyente ay 40-anyos na lalaki na nagpositibo sa isinagawang random rapid antigen test noong Agosto 11 sa Licomo checkpoint.
Sinabi pa ni Miravite na nakarekober na ang naturang pasyente at ito ika-7 kaso ng delta variant sa lalawigan.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico