Kinondena ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang panibagong kaso ng hazing sa Philippine Military Academy o PMA.
Ito ay matapos na kumpirmahin ng pamunuan ng PMA ang pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.
Ayon kay VACC Spokesman Arsenio Boy Evangelista, nakapagtataka na nangyayari pa ang hazing gayong nai rebisa na at ginawa nang komprehensibo ang Anti – Hazing Law.
“Kaya nga ang tinatanong namin sa PMA leadership, anong nangyari? Bakit ginalawa nila ito at bakit pinabayaan nila ito?”
Makikipag ugnayan ang VACC sa pamilya Dormitorio para kumbinsihin ang pamilya na huwag itigil ang paghahanap ng hustisya sa pagkasawi ng kadete.
“I’am calling the family of CadT Dormitorio na ituloy… salute them for revising, making it more comprehensive at yun nga, this is murder eh. Itong nangyayari ito, this is clear murder that should be included as heinous para reclusion perpetua. Mag ri-reach out kami sa family today then we will encourage them to continue fighting and ilaban nila,” ani Evangelista — sa panayam ng Ratsada Balita