Minomonitor na ng Department of Health (DOH) ang mga pinangangambahang panibagong kaso ng polio sa Mindanao.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mayroong silang binabantayang dalawang kaso na maaring makumpirma ano mang araw.
Sa ngayon ay patuloy aniya ang ginagawa nilang surveillance sa mga ospital at sa mga nagpapakita ng nga sintomas ng naturang sakit.
Magugunitang noong isang araw ay kinumpirma ng ahensya ang tatlong panibagong kaso ng poilio sa Mindanao.