Ikinakasa ng Ozamiz PNP o Philippine National Police ang panibagong kaso laban sa pamilya Parojinog.
Ito’y ayon sa hepe ng Ozamiz PNP na si C/Insp. Jovie Espenido ay kung mapatutunayang itinago ng pamilya ang isang testigo na nagbunyag ng umano’y sadyang pagpatay kay Mayor Reynaldo Parojinog, asawa nito at 13 iba pa.
Giit ni espenido, dapat ding mapanagot sa batas ang nasabing testigo dahil sa paggawa nito ng maling kuwento sa pangyayari.
Una nang nanindigan si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na lehitimo ang isinagawang operasyon ng mga pulis at hindi isang liquidation sa nangyaring pagkakapaslang sa alkalde.
Burol ni Ozamiz Mayor Parojinog nilangaw umano
Ipinagluluksa ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Ozamiz ang pagpanaw ng kanilang alkalde na si Reynaldo Parojinog makaraang masawi ito sa isinagawang raid ng pulisya sa kanilang tahanan noong Linggo.
Naka-half mast ang watawat ng Pilipinas sa harap ng city hall habang nakasuot naman ng kulay itim na arm band ang lahat ng empleyado nito.
Kasunod nito, naglabas ng sama ng loob ang Chief of Staff ng alkalde na si charity Meninggito sa mga pulis na nagsabing hindi tama ang ginawang pagpatay sa kanilang alkade gayung napakabuting tao aniya nito sa kanilang nasasakupan.
Ngunit sagot naman ng hepe ng Ozamiz PNP na si C/Insp. Jovie Espenido, hindi lalangawin ang burol ng yumaong alkalde kung tunay na mabuti itong tao.