Naitala ng Department of Health kahapon ang pinaka-mababang daily COVID-19 infections ngayong taon.
Sa datos ng DOH umabot lamang sa 225 ang panibagong kaso ng COVID-19 kumpara sa naunang lowest daily tally na 246 noong March 29.
Sumadsad naman sa 33,629 ang active cases dahilan upang lumobo sa 3, 679, 983 ang kabuuang kaso sa bansa.
Nangunguna sa mga rehiyong may pinaka-mataas na COVID-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region, 1,514; CALABARZON, 569 at Western Visayas, 394.
Samantala, umakyat na sa 3, 586, 984 ang nakarekober habang sumampa na sa 59,370 ang death toll.