Binabantayan ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang isang LPA o Low Pressure Area sa loob ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Ang nasabing sama ng panahon ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 900 kilometro silangan ng Alabat, Quezon.
Sinabi ng PAGASA na maliit pa ang tiyansang mabuo bilang bagyo ang nasabing LPA na nakakaapekto na sa buong bansa.
—-