Mayroon na namang namataang Low Pressure Area o LPA ang PAGASA na nasa layong 355 kilometers sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Patuloy pa ring nakaaapekto ang hanging habagat sa hilagang Luzon kaya’t asahan na ang thunderstorm sa Mindanao, Silangang Kabisayaan, Ilocos Norte at mga isla ng Batanes at Babuyan.
Ayon kay Weather Forecaster Buddy Javier, inaasahang iiral din ang maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pagbuhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila at mga nalalabing bahagi ng bansa.
By Jelbert Perdez