Binabantayan na ng Pagasa ang panibagong low pressure area sa Eastern Visayas.
Namataan ng Pagasa ang LPA sa sa layong 135 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Nakapaloob ang naturang sama ng panahon sa Intertropical Convergence Zone na naka-aapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Asahan na ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao at Eastern Visayas.
Samantala, ang ITCZ naman ang magdadala ng bahagyang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. — sa panulat ni Drew Nacino.