Isang panibagong sama ng panahon ang namataan ng pag-asa sa bahagi ng mindanao.
Kasunod ito ng inaasahang paglabas naman ng philippine area of responsibility o par ng bagyong ineng ngayong sabado ng hapon o gabi.
Huling namataan ng pag-asa ang low pressure area o l-p-a sa layong isanglibo at siyamnaraang kilometro sa silangang bahagi ng mindanao.
Ayon kay pagasa weather specialist gener quitlong, bagaman kumikilos ang nasabing l-p-a sa bahagi ng mindanao ay wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Samantala, asahan pa rin naman ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa habagat na hinahatak ng bagyong ineng.