Isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong limang daan at limang (505) kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA, bagamat mababa ang tiyansa nitong maging bagyo, magdadala ito ng mga pag – ulan sa silangan ng Visayas at Mindanao.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahinang mga pag – ulan ang lalawigan sa Central Luzon at Northern Luzon dahil sa amihan.
Habang makararanas ng maaliwalas na panahon ang iba pang bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila.