Lalong lumakas ang loob ni dating Senador Bongbong Marcos Jr. na ipursige ang kanyang inihaing protesta laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito’y ayon kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos ay dahil sa mga nadiskubre na namang bagong kababalaghan sa pagpapatuloy aniya ng manual recount noong 2016 Vice Presidential Elections.
Ayon kay Marcos, nadiskubreng paiba-iba aniya ang mga kinalalagyang presinto ng mga balota na siyang lalong nagpapalito ngayon sa PET o Presidential Electoral Tribunal.
Dahil dito, kumpiyansa ang pamilya Marcos na abot kamay na nila ang hinahangad na hustisya sa umano’y nangyaring dayaan dahil unti-unti nang lumalabas ang katotohanan.
—-