Nangako ang China na magbibigay ng panibagong bugso ng military aid sa Pilipinas.
Sa pahayag ni Defense Undersecretary Cardozo Luna sa handover ceremony ng engineering equipment mula sa China, sinabi nito na nagkaroon ng signing ceremony sa isinagawang bilateral meeting kasama ang hepe ng office for international military cooperation na si Major General Ci Guowei hinggil sa bagong military aid.
Aabot sa P1 billion ang halaga para suportahan ang mga kagamitan ng Pilipinas gaya ng deployable bridge, water desalination, ground-penetrating radar systems at water purifying equipment.
Makatutulong ani Luna ang ilan sa mga naturang kagamitan para sa relief and rescue operations na isinasagawa tuwing may kalamidad.