Dinepensahan ng China ang kanilang panibagong military drills na inilunsad sa West Philippine Sea.
Ayon sa Tsina, routine drills lamang ang kanilang isinagawa sa bahagi ng Spratly Islands sa mga nakalipas na araw.
Ipinaliwanag ng Chinese Defense Ministry na wala namang masama sa paglulunsad ng kanilang Navy ng pagsasanay lalo’t sa teritoryo naman ng Tsina ito isinagawa na alinsunod sa naval training plan.
Nito lamang nakalipas na mga araw ay nagsagawa ng live-fire exercises ang Chinese Navy ships sa hindi pa tinutukoy na bahagi ng Spratly.
Filling station
Nagtatayo na ng filling station ang nangungunang Chinese oil company na Sinopec Corporation sa Spratly Islands.
Ang nasabing imprastraktura na sinamahan ng storage tank ay itinatayo sa Woody Island sa bahagi ng Paracels at inaasahang matatapos sa susunod na taon.
Layunin ng filling station at storage tank na mapunan ang pangangailangan sa krudo ng mga Chinese-controlled Islands at Reefs sa Spratly Islands sa mga susunod na taon.
Ang Paracel na bahagi ng Spratly ay inaangkin din ng Vietnam.
By Drew Nacino