Inanunsiyo ng Saudi Arabia na may na-intercept itong tatlong ballistic missiles na hinihinalang pinakawalan ng mga rebelde.
Ayon sa Saudi forces, tinarget ng mga missile ang mga lungsod ng Najran at Jazan sa katimugang bahagi ng kanilang bansa.
Naniniwala naman ang Saudi na kagagawan ng Houthi rebels ng Yemen na kaalyado naman ng Iran.