Muling nagpakawala ng missile ang North Korea mula sa kanilang East Coast.
Pasado alas-5:00 ng madaling araw di umano nang pakawalan ng ng North Korea ang kanilang missile sa rehiyon malapit sa Wonsan.
Gayunman, ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea, lumalabas na pumalya ang pinakawalang missile.
Patuloy umano ang pag-aaral ng South Korean Military sa detalye ng pagpapalipad ng pinaniniwalaang Musudan intermediate-range ballistic missile.
By Len Aguirre
Photo Credit: AP