Kinondena ng gobyerno ng Pilipinas ang pinakabagong missile launching ng North Korea.
Nakasaad sa statement na inilabas ng Department of Foreign Affairs na pinatataas lamang ng North Korea ang tensyon at binabalewala ang kapayapaan sa rehiyon at sa Korean Peninsula.
Kasunod nito, nanawagan ang Pilipinas sa North Korea na tumalima sa international obligations nito sa ilalim ng United Nations Security Council Resolutions at sa proseso ng pakikipagdayalogo.
Bukod sa Pilipinas, una na ring kinondena ng iba pang mga bansa ang nasabing aksyon ng Nokor.
By: Meann Tanbio / Allan Francisco