Muling uminit ang tensyon sa pagitan ng Japan at North Korea.
Ito ay matapos bumagsak malapit sa katubigang kontrolado ng Japan ang ballistic missile na inilunsad ng NoKor na makailang beses ng sumuway sa United Nations Security Council Resolutions.
Ayon sa Defense Official ng Japan, bumagsak ang bahagi ng missile sa kanilang economic exclusion zone.
Matatandaang dati ng mainit ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos ang serye ng mga missile launch ng NoKor ngayong taon at ang desisyon ng United States na maglagay ng sophisticated anti-missile system sa South Korea.
Inilarawan naman ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang missile launch bilang “grave threat” sa Japan.
Kinondena din ng US State Department ang missile launch.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AP