Kinondena ng United Nations o UN ang panibagong paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea.
Ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres, ang naturang aksyon ng Pyongyang ay isa na namang paglabag sa Security Council resolution.
Maliban dito, inaasahan ding makakapagpalala pa ng sitwasyon ang naging hakbang na ito ng NoKor dahil sa bantang panseguridad na hatid ng kanilang missile testing.
Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng close door meeting bukas ang Security Council kaugnay ng matagumpay na missile testing ng NoKor.
By Ralph Obina
Panibagong missile test ng NoKor kinondena ng UN was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882