Kinondena ni US President Donald Trump ang panibagong missile test ng North Korea.
Aniya, lalo lamang nilalayo ng North Korea ang sarili nito sa iba pang mga bansa na makaapekto sa ekonomiya at mamamayan nito.
Ayon kay Trump, gagawin nila ang lahat ng hakbang para siguruhin ang seguridad ng kanilang bansa at ang proteksyon ng mga kakamping bansa sa rehiyon.
Sinabi naman ng Pentagon na handa ang Amerika na depensahan ang Amerika at mga kaalyadong bansa laban sa pag-atake o anumang pambubuyo ng North Korea.
Ayon kay North Korean leader Kim Jong Un, isang babala ang ginawa nilang missile test na hindi ligtas ang Amerika sa pagkakawasak oras na atakehin sila nito.
By Jonathan Andal (Patrol 31)