May nakaamba na naman ang panibagong yugto ng oil price hike ang mga kumpaniya ng langis bukas, Nobyembre 28.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, asahan nang maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 ang umento sa kada litro ng diesel.
Tinatayang aabot naman sa P0.20 hanggang P0.30 ang posibleng maging umento sa kada litro ng kerosene habang wala namang aasahang paggalaw sa presyo ng gasoline.
Magugunitang nagpatupad ng tapyas presyo sa kanilang mga produkto ang oil companies nitong nakalipas na linggo lamang matapos ang sunud-sunod na pagtaas sa presyo nito ngayong buwan.
—-