Asahan na ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong Martes, Abril 30.
Batay sa source ng DWIZ na industriya ng langis, maglalaro sa P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa kada litro ng diesel at gasolina.
P0.75 hanggang P0.85 naman ang posibleng taas sa kada litro ng kerosene.
Habang inaasahan namang magmamahal ng P0.50 hanggang P1 ang kada kilo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa Mayo.
Ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at LPG ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.