Asahan na muli ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Bagaman kinumpirma ng Department of Energy (DOE), hindi naman binanggit ni Atty. Rino Abad, director ng Oil Industry Management Bureau ng DOE kung magkano ang igagalaw ng presyo ng oil products.
Ito, ayon kay Abad, ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.
Sa sandaling ipatupad, ito na ang magiging ika-pitong sunod na price increase ng mga produktong petrolyo sa bansa ngayong taon.