Nagpatupad na ng dagdag presyo sa oil products ang Flying V.
Epektibo alas-12:01 ng hatinggabi ang P0.80 dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.65 naman sa diesel.
Alas-6:00 naman ngayong umaga, ikinasa ng Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum at Uni Oil ang parehong halaga sa gasolina at diesel.
Samantala, ang Shell ay nagpatupad din rin ng dagdag na P0.70 sa presyo ng kada litro ng kerosene na una nang ipinatupad ng Flying V kaninang hatinggabi.
Dahil dito, ipinabatid ng Department of Energy (DOE) na pumapalo na sa P19.25 hanggang P22.75 ang halaga ng kada litro ng diesel at P30 hanggang P39.32 naman sa kada litro ng gasolina.
By Judith Larino