Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong price hike sa kanilang mga produkto.
Epektibo alas 12:01 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Flying V ang dagdag 35 sentimos sa kada litro ng diesel habang 25 sentimos sa kerosene.
Sabay-sabay namang ipatutupad epektibo ala 6:00 mamaya ng Petron, Caltex, Unioil, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Eastern Petroleum, SEAOIL at Shell ang kahalintulad na price increase sa diesel at kerosene.
Samantala, wala namang ipinatupad na dagdag presyo sa gasolina ang mga nabanggit na kumpanya.