Ipinatupad na ngayong araw ng mga kumpanya ng langis ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Uno singkuwenta (P1.50) ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P1.10 naman ang taas presyo sa kada litro ng gasoline.
Epektibo alas-6:00 ngayong umaga, inilarga ang mga kumpanyang Shell, Petron, Seaoil, PTT, Phoenix at Eastern Petroleum ang kanilang price adjustment.
Nauna nang nagpatupad ng kahalintulad na price adjustment sa langis ang kumpanyang Flying V kaninang alas-12:01 ng madaling araw.
Samantala, may P1.10 ding taas presyo sa kerosene ang mga kumpaniyang Shell, Petron at Seaoil.
By Jaymark Dagala