Muling magpapatupad ng panibagong oil price hike ang mga kumpaniya ng langis bukas, araw ng Martes
Ayon sa Department of Energy, maglalaro mula kinse hanggang beinte singko sentimos ang inaasahang taas presyo sa kada litro ng gasolina at diesel
Habang maglalaro naman sa kuwarenta hanggang singkuwenta sentimos ang umento sa kada litro ng kerosene
Gayunman, nilinaw ng DOE na magiging epektibo lamang ang paggalaw sa presyo ng kerosene kung babawiin na ang pag-iral ng price freeze sa ilalim ng state of national emergency
By: Jaymark Dagala