Muli na namang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa martes.
Batay sa pagtaya ng ilang oil companies, aabot sa P2.70 centavos hanggang P3.00 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
Maglalaro naman sa P.80 centavos hanggang P1.10 centavos ang posibleng umento sa kada litro ng gasolina.
Una nang sinabi ng Department of Energy na ang pagtaas ng presyo ng langis ay dahil sa pasya ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng 2 million barrels kada araw sa produksyon ng langis.
Nakatakdang ianunsyo ngayong araw ng mga kumpanya ng langis ang panibagong oil price adjustment na magiging epektibo simula bukas, October 18.