Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong taas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga.
Limampu’t limang sentimos (P0.55) na dagdag presyo sa kada litro ng diesel ang ipinatupad ng mga kumpanyang Shell, PTT Philippines, Total, Unioil, Eastern Petroleum, Sea Oil, Phoenix Petroleum at Petro Gazz.
Habang dalawampung sentimos (P0.20) kada litro naman ang taas sa presyo ng kanilang gasolina.
Gayundin, nagpatupad ng apatnapung sentimos (P0.40) na taas presyo sa kerosene ang ilang kumpaniya.
Ito na ang ika-apat na sunod na linggong pagpapatupad ng taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong 2019 bunsod pa rin ng paggalaw sa presyo ng mga imported na langis sa world market.
—-