Muling magpapatupad ng taas presyo sa produktong petrolyo bukas, January 29.
Ayon sa report, sa ika-apat na linggo ng oil price hike ngayong buwan, nasa pagitan ng limampu (P0.50) hanggang anim napung (P0.60) sentimo kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel at kerosene samantalang beinte (P0.20) hanggang trenta (P0.30) sentimos naman sa gasolina.
Sa pagsisimula ng taong 2019, mahigit tatlong piso (P3.00) na ang itinaas ng presyo ng diesel habang mahigit dalawang piso (P2.00) naman sa gasolina at kerosene.
Bukod sa paggalaw ng presyo ng petrolyo, nagdagdag na ang ilang gasolinahan ng mahigit dalawang piso kada litro bilang excise tax.
Kung susumahin ang taas presyo at dagdag buwis, nasa mahigit limang piso (P5.00) na ang iminahal ng diesel, mahigit 4.50 naman sa gasolina at lampas tatlong piso (P3.00) sa kerosene.
—-