May panibagong taas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis simula bukas, Setyembre 14.
Ayon sa mga kumpaniyang Caltex, Shell, Petro Gazz at Seaoil, magdaragdag sila ng P0.35 sa kada litro ng diesel habang P0.40 naman sa gasoline.
Habang ang kumpaniyang CleanFuel naman ay nasa P0.30 lamang ang umento sa kada litro ng kanilang gasoline.
P0.15 naman ang umento ng mga kumpaniyang Caltex, Seaoil at Shell sa kanilang kerosene.
Unang magpapatupad ng umento ang Caltex 12:01 ng hatinggabi bukas, 6 ng umaga naman ang Total, Petro Gazz, Shell at Seaoil habang 4:01 naman ang CleanFuel.