Asahan na muli ang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtaya ng mga oil industry expert, maglalaro ang presyo ng gasolina sa p1.10 hanggang P1.30 kada litro; P0.50 hanggang P0.60 sa diesel at kerosene.
Kabilang sa mga dahilan ng oil price hike ang paghina ng palitan ng piso kontra dolyar, hidwaan ng mga miyembrong OPEC member sa laki ng idaragdag sa produksyon ng langis at malaking demand sa oil products ng U.S.
Ito na ang ika-pitong sunod na linggong magpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang produkto ang mga oil company. —sa panulat ni Drew Nacino