Muling nagpatupad ng taas presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis, epektibo ngayong araw.
Simula ala-6:00 ng umaga inilarga ng Pilipinas Shell, Total at Phoenix Petroleum ang dagdag P0.65 sa kada litro ng gasolina at P0.40 sa diesel.
Trenta’y singko sentimos (P0.35) naman ang dagdag ng Shell sa kada litro ng kerosene.
Dahil dito, naglalaro na sa P25.45 hanggang P28.70 centavos per liter ang presyo ng diesel sa Metro Manila habang nasa P36.30 hanggang P43.35 ang gasolina.
Ang panibagong oil price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa World Market.
By Drew Nacino