Asahan na muli ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo matapos ang dalawang magkasunod na linggong rollback.
Ayon sa Department of Energy o DOE maglalaro sa limampu’t lima (P0.55) hanggang animnapu’t limang sentimos (P0.65) ang dagdag sa kada litro ng gasolina.
Habang walumpu (P0.80) hanggang siyamnapung sentimos (P0.90) sa kada litro ng diesel habang nasa piso ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Ang paggalaw ng presyo sa world market ng krudo ang sinasabing nakaaapekto sa presyo nito sa lokal na merkado.
—-