May nagbabadya na namang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipatutupad ang mga kumpaniya ng langis sa susunod na linggo.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, aabot sa P0.80 hanggang P0.90 ang taas presyo na inaasahan sa kada litro ng gasoline.
Maglalaro naman sa P0.40 hanggang P0.50 ang posibleng taas presyo sa kada litro ng diesel at kerosene o cooking gas.
Dahil dito, posibleng umabot na sa mahigit P4 ang panibagong dagdag presyo sa kada litro ng langis na ibinebenta sa mga gasolinahan kasama na ang ipinapataw na excise tax.
—-