Taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang tiyak na sasalubong sa mga motorista sa Martes, Araw ng Kagitingan.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, papalo sa kinse (P0.15) hanggang beinte-singko sentimos (P0.25) ang posibleng taas presyo sa gasolina.
Sampu (P0.10) hanggang dalawampung sentimos (P0.20) naman ang sa kada litro ng diesel habang sampu (P0.10) hanggang labing limang sentimos (P0.15) ang posibleng umento sa kada litro ng kerosene.
Mula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan, papalo na sa halos siyam na piso ang itinaas sa presyo ng gasolina, mahigit anim na piso naman ang itinaas sa presyo ng diesel habang nasa mahigit apat na piso sa kerosene.
Magugunitang pinatikim ng mga oil companies ng katiting na rollback sa kanilang mga produkto ang mga motorista dahil na rin sa malikot na preysuhan ng langis sa world market.
—-