Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong price increase sa kanilang mga produkto.
Epektibo alas 12:01 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Flying V ang kanilang buena manong dagdag 90 sentimos sa kada litro ng gasolina, 55 sentimos sa diesel at 75 sentimos sa kerosene.
Magpapatupad din ng kahalintulad na price hike ang Petron, Unioil, Seaoil, Eastern Petroleum, chevron, PTT Philippines, Phoenix Petroleum at Shell, mamayang ala 6:00 ng umaga.
Ito ang unang beses na price increase ng mga kumpanya ng langis ngayong Nobyembre.