Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong price increase sa kanilang mga produkto.
Ayon sa Department of Energy, epektibo alas Dose uno kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Flying V ang otsenta Sentimos na dagdag sa kada litor ng gasolina, Singkwenta’y Singko Sentimos sa diesel at kerosene.
Ipatutupad naman mamayang ala Sais ng PTT Philippines, Petron, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, Seaoil, Shell, Jetti at Total ang kahalintulad na price increase.
Ang panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ay wala pang kaugnayan sa dagdag excise tax sa ilalim ng Tax Reform Law bagkus ito’y epekto ng price increase sa world market.