Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong price increase sa kanilang mga produktong petrolyo.
Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Flying V ang dagdag P0.25 sa kada litro ng gasolina habang P0.55 sa diesel at kerosene.
Nagpatupad din ng kahalintulad na increase sa gasolina, diesel at kerosene ang Total, Petron, Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, Seaoil at Shell, mamayang alas-6:00 ng umaga.
Ito ang unang price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayon lamang Oktubre at ika-limang beses naman simula noong Setyembre.
—-